Kulang

Natutuwa ako ‘pag naiisip ka

At ang magandang ngiti ng ‘yong mata

Wala na ‘kong hihilingin pang iba

Kundi magkatotoo ang ating sana

 

Ikaw lang ang tanging sinisinta

Puso’t isip ko ay hawak mo na

Panalangin ko’y mapasakin ka

Gawin nating sigurado ang baká

 

Ngunit ako nama’y nag-iisa

Na pilit sinusulat itong tula

Wala namang sana at baká

Mayroon lang ako, ikaw, at siya

 

Akin bang ipagpapatuloy pa

Tulang sinimulan nating dalawa?

O tama bang itigil ko muna

Hayaang tadhana ang magpasya?

 

Subalit hindi ko yata kaya

Pero wala naman akong magagawa

Kaya aking iiwang bitin itong tula

Leave a comment